Gising Bayan! Bangon Bayan!
O Princesang nadungisan, h'wag magtulugtulugan,
Daing at taghoy ng masa sa lansangan sana'y pakinggan.O Princesang nadungisan, h'wag magtulugtulugan,
Di mabilang ang mamamayang walang hanapbuhay at matir'han,
Kailan kaya sila makaka-ahon? Lalo yata sila nababaon.
O Bayang kinagisnan, dati mong sagisag ay Kagitingan;
Dati ika'y nataguriang maningning na Perlas ng Silangan,
Subali't nadulas ka sa putikan ng Kasakiman, tuloy nadungisan...
BANGON NA, GISING NA, O BAYAN!
by Skep/vdeperalta
.