This Tagalog song follows the melody of "When you walk thru a storm, hold your head up high..." etc.
Kung wala nang pera at butas ang bulsa,
H'wag ikaw mawalang pag-asa,
Talakayin mo lang ang dangal na landas,
Ang oras ng malas may wakas;
Lakad pasulong, huwag kang u-urong,
Bagyo man ang humampas;
Sugod, at h'wag hihiwalay
Sa Diyos nating Gabay,
Pag Siya ang Alalay, ika'y tatagumpay!
'Pag minamalas ka, h'wag mukhang kawawa,
Nasa Diyos ang iyong pag-asa;
H'wag ka lang kakalas sa sampu Niyang Atas,
Luha at pighati'y may wakas...
Lakad pasulong at h'wag u-urong,
Bagyo man ang humampas;
Sugod, at h'wag hihiwalay
Sa Diyos nating Gabay,
'Pag Siya ang a-akay, sa iyo ang tagumpay...
KAKAMTAN MO'Y TAGUMPAY!
(Tagalog lyrics by Skep/vdeperalta. With apologies to
Messrs. Rogers and Hammerstein.)
No comments:
Post a Comment